Friday, May 09, 2008

Panpil17 Assignment

Payak ngunit madami at malalim ang pangangahulugan. Isa utong kasabihan na nakatuon sa paglalarawan ng kagalingan ng isang indibidwal. Ito ay nakaconjugate sa sarili—first person. Maari nating sabihin na sa indibidwal lamang ang binabanggit subalit ang kinalalabasan ay suggestive sa mga mambabasa. “I work well!” Isang itong pagyayabang ng kagalingan, competence, disiplina at compliance sa mga mambabasa, na sa rasyonal na pagtingin ay wala namang imperatibong nababanggit sa mga salita.

Ang Pilipinas bilang isang bansang walang malalaking idustriyang nasyunal, isang paraan para kumita ay ang pag-akit ng mga kapitalista galing sa labas. Isa sa mga umaakit sa mga transnasyunal na korporasyon ay ang cheap labor. Kasabay nito malaki rin ang masasabing migration ng mga mamamyan galing sa bayan papunta sa Metro Manila at sa mga malalaking mga lungsod sa Pilipinas sa pag-asang makakakuha ng trabaho. Subalit, hindi naman talaga lahat ng mga nakikipagsapalaran ay sinusuwerte. Karamihan sa kanila ay nasa mga iskwater—sa mga lugar na iligal nilang tinitirhan.

Masasabi nating laganap pa rin ito sa mga lungsod sa kamaynilaan. Ibig sabihin lang naman na may kahirapan pa rin bukod sa sinasabing mga oportunidad sa kalungsuran at ito ay pinapanatili. Ito ay kailangan panatilihin upang magkaroon pa rin ng cheap labor na kung saan ito ang hanap ng mga investors na mga korporasyon. Kailangang may taong walang trabaho at kailangang ito ay isang kopetitibong army ng mga mangagawang papayag sa mababang sahod.

Bagkus, hindi rin maganda sa paningin ang itsura ng mga kalsada at mga imprastuktura kung lahat sa mga ito ay pinamumuran ng mga maralitang mamamayan. Kaya naman malaki ang inisyatibo ng gobyerno na pondohan ang mga programa ng MMDA, hindi upang maalis ang kahirapan at overcrowding  kundi, ikubli at itago sa ilalim ng doormat ang dungis ng kamaynilaan. Hindi nito interes na maging maayos ang pamumuhay ng mga mamayaan kundi pagandahin lamang ang kamaynilaan sa pagtago ng mga eyesores sa harap ng mga investors. Kung susumahin, mahalagang ipalaganap ang mga kondisyon na congenial sa negosyong transnasyunal sa pamamagitan ng page-exploit sa masang mamamayan.

Bilang isang ideolohikal na teksto, nagpapanggap ang ideya nitong itulak ang pagiging sibilisado ng mamamayang pinagnanakawan ng halaga ng kanilang paggawa. Pinaaalalahanan ang mga mamamayan na maging matino sa pamumuhay sa gitna ng kakulangan sa trabaho at nararapat na sahod. Isa ipokritong pagpapakita ng standard na mapanghati sa pamamagitan ng pagsisisi sa kahirapan sa masa.

Isa ring artipisyal na manifestasyon ng average ng populasyon ng kamaynilaan. Hindi naman ang mga middle class ang pinagtutuunang puna ng ad na ito kundi ang mga aye-sores tulad ng mga street vendors, tsuper ng bus at dyip at mga iligal settlers. Hindi masamang organisahin ang kalungsuran kung ito ay para sa ikabubuti ng masa. Pinipilit dito ang kakarampot na work ethics sa taumbayan na mas nakararami pa rin ang walang trabaho at namumuhay sa kahirapan. Hindi na rin isyu ang malakihang disorganisasyon sa transportasyon, kalsada at mga tirahan kung ang mga kondisyon para sa disenteng pamumuhay ay nabibigyan ng sagot para sa nakararami.

 

PanPil17 Assignment | Bugtungan

 Bugtungan

Buto’t balat naw malapad, kay galing kung lumipad

Sagot: saranggola

 Bulbol sa ulo’y malapad, kay Uncle Sam ang nilalakad.

Sagot: Emerlinda Roman

 ***

Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.

Sagot: batya

 Kalahating tao, talaga namang hayop, kung mangurakot ay salup-salop.

Sagot: GMA

***

Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

Sagot: anino

Ako ay may kaibigan, ka-phonesex noong halalan.

Sagot: Garci

***

Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Sagot: siper

Dumaan ang hari, nagliparang itog sa kanya’y yumari.

Sagot: Esperon

Thursday, May 08, 2008

Panpil Assignment | Willie's Song

Please see attached document. (wowowee.pdf)

Tuesday, May 06, 2008

ergdrg

Magkamukha ba?


Siya ang gumanap na isang character sa Heroes season 1. Ang powerr niya ay persuasion. Malipit din da sa personality mo?

Monday, May 05, 2008

Panpil Assignment | Inday Joke : Follower ni Tito Pierre

Amo: Inday, bakit madaming kang libro sa kwarto mo? Kaya naman pala nagrereklamo kang masikip mamalantsa diyan. Bakit binabasa mo ba yan lahat?

Inday: Sir, books are forms of social capital. Bourdiue would argue that capital does not only pertain to the economic but to the social ones. My books resemble their capacities as symbolic good. I'm sure one of them may not buy for a grande strarbucks but I'm sure they can’t be bought in exchange of even a venti. Your questions sits on the same delusion to asking why you, Mr. and Mrs. Montemayor, have deliberately been collecting and putting these expensive Chinas into the living room shelf facades? We wouldn't really want to use your Chinas for the next meal, would we? Would you trust me to wash these Chinas, knowing that I barely have the probability of breaking them through my extreme training and care, of course because you see them as relics of your ancestral possessions? No need to respond to that sir. Now, my books, this array of spines bind the pages of history and human knowledge, you were talking about, can not be exchanged with aprons and dusters because books play in the field of intellectual historical debates for knowledge and humanity while aprons and dusters are… for domestic politics. Now I completely understand your display of disinterest because we are of unlike fields and capitals and dispositions, or what Tito Pierre calls habitus—the feel of the game… which tells apart our practice in this Haushalt.

Amo: Potah.

Sunday, May 04, 2008

Bayaning hindi pinanood ang laban sa sariling bayan

Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng kabiguan ng isang idolong nailuklok sa kasikatan. Sa pagkakataong inaakala nating ang isang sikat na artista or celebrity ay awtomatikong papasok at papatok sa pulikta ay nababasag sa ganitong imahe.

Ang 300 na pelikula ay napapailalim sa isang tema ng pagkilala sa abilidad at kapangyarihang umalpas kaysa pag-usapan ang dami. Ang karakter na inihalintulad kay Pacquiao ay maabilidad at matalino sa pagharap sa malaking lupon ng kalaban. Ganito ang bayani. Marahil si Jose Rizal ay pumasa sa mga kategorya hinahanap ng grupong naghahal sa kanya para maging pambansang bayani. Si Pacquiao ay ba ay pumasa sa mga kategorya?

May malaking ‘subalit’ sa ganitong usapan sapagkat, ang magiging tanong ay nasa tamang laban ba si Pacquiao sa nakaraang eleksyon? Hindi. Sinasabing ang mga kababayan niya ay hindi naman nagnais na yakapin din nito ang pulitika. Gusto lamang nilang manatili siya sa boksing, kung saan siya nakilala at nagkaroon ng pagkakataong mabigyan ng pangalan. Hindi maitatangging siya ay dumaan sa hirap at sakit noon gang lahat ay tunkol sa laban para sa sariling kakayanan sa larangan. Nakapagtatakang lamang na nang napansin ng Pilipino ay biglang nabigyan ng patriotikong twist. Ang career life ay nabigyan ng bagong kahulugan.

Tulad ng ating mga napag-usapan papasok tayo sa political economy sa pagsusuri sa katayuan ni Pacquaio bilang isang sinasabing bayani. Ibig nitong sabihin na sa gitna ng kaguluhan at krisis sa aspetong pampulitika, sosyal at pang-ekonomiya, nakakagawa ang mga nasa poder ng kapangyarihan na gumawa ng mga imahe ng bayani. Ang bayani ay inaasam na itaas ang morale ng mga mamamayan sa hirap ng buhay ngayon. Kung ayaw naman natin ng bayani, ang pang-iidolo kay Pacquiao na iniwanan ang pangarap na makatapos ay nagiging katanggap-tanggap na parang dadami pa ang magiging Pacquiao sa Pilipinas. Ang pagpipilit sa pangarap bilang boksingero ay nakatayo pa rin ba sa kagustuhang lamang na mapagaling ang sarili sa larangan? Hindi kundi may kakabit na itong pangarap ng paggaya sa imaheng kinakatawan ni Pacquiao.

Kung bayani si Pacman, naglilingkod ‘para’ sa bayan, ay nararapat siyang mamahal—umupo sa gobyerno. Hindi. Napatunayan nating may pinagmumulan pagpapaliwanag ang kasikatan ng titulo ni Pacman. Masasabi nating false o huwad ang sinasabing patriyotismo na ibinalot sa pangalan nito. Kaya naman ang lohikang maaring naisip niya dahil siya ay bayani ay isang lider na rin siya, ay napatunayan ng walang kinalaman. Ibig sabihin na ang kanyang kabayanihan na pinapalaganap sa midya na alam nating lahat, ay hiwalay sa kategorya ng bayani ng ‘bayan’ na maaring nasa kailaliman pa rin ng ating psyche at kolektibong pagpapahalaga.

Masasabi ring may tampo sa kanya hindi lamang ang kanyang sports fans kundi ang middle class. Maaring sa pagpipili ng iboboto ng mga middle class, ang pinagmumulang kultural na background ni Pacman ay hindi tugma sa mga inaasahang mga palatandaan ng mga tao sa dapat piliin. Si Manny man ay nakakatanggap ng malaking pera, nakapagpatayo ng malaking bahay at namumuhay sa isang mala-konsehal na lifestyle, hindi maitatangging hindi siya bebenta sa kategorya ng talino sa ibang kadidato. Hindi dahil mapanghati ako sa pagkilatis mga mga taong hindi nakapag-aral, ang ibig ko lang sabihin ay hindi basta ganoong kadali itanghal ang isang bayani. Nag-iba man ang katayuan niya sa pang-ekonomikong aspeto, sa larangan ng labanan sa kultural na arena, hindi siya makakaasa.

Kung si Pacquiao man ay napaniwalang siya ay bayani, na gayun din ang mga Pilipino na malakihang nakumbinse sa gitna ng mga nakababahalang kaganapan, masasabi na nating mababaw ang pinag-uugatan nito. Subalit gayun na lamang ang ating pagkainis sa kanyang pagtakbo at pagtawa sa kanyang pagkatalo, siya rin ay biktima sa partikular na paraan, malay man siya nito o hindi dahil siya ay binibentang komoditi hindi lamang ng gobyerno para gawing carebear sa pagkabahala sa lipunan, kundi ng Nike at mga naglalakihang korporasyon sa bansa. Ang isang celebrity ay hindi na talagang kumikita sa awards dahil sa galing lamang kundi sa promotions at advertisement. Ito ay kakayanan ni Manny na makapag-anyaya magbenta ng patritikong mga produkto, dahil sa pagbabahid niya dito ng patriyotiko aura.