Nauso ang sentimental moments
Kanina lang ang exam ko sa math 11. Eh kagabi 2 pm na ako natulog para mag-aral kuno. Kaya lang pakiramdam ko bagsak ako kasi lahat ko nasimulan wala akong natapos ng test item. Galing ano. (kunyari masaya pero may poot sa loob ng chest) Yun.
Pero ang istorya ay hindi tungkol doon! Tungkol ito sa nangyari pagkatapos ng exam... nang medyo pauwi ako. Yung nangyari eh naglakadlakad ako sa may AS papuntang Vinzons. Medyo cloudy. Medyo may hangin... Medyo nililipad ang mgay tuyong dahon. Medyo may mood. Makulimlim ang paligid... Mabagal ang mga taong nagjojogging. Medyo may naririnig akong kanta parang sentimental pero para sa mga broke na tao.... Nasa music video ako... well feeling lang... parang feeling ko kinukunan ako ng 35-mm film motion picture camera. nagsesentimental kasi babagsak ako sa math 11... parang may emosyon sa mukha ko kanina... nagpagkamalan ata akong baliw na mabagal na naglalakad sa may harap ng educ habang ng slowslow-s--ll--o-o-o-ww motion ang mga galaw at ang mga lingon. Medyo tingin sa malapit... yuyuko... tingin sa malayo.... titingala sa mga sanga ng mga puno sa acad oval... baliw.
Sa madaling salita para akong tanga kanina.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment